Tumaas ang inflation rate sa Cagayan nitong buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni Cristeta Retoma ng Philippine Statistics Authority o PSA Cagayan na naitala ang 4.5 percent na inflation noong Nobyembre mula sa 4 percent noong Oktubre.
Ayon kay Retoma ang isa sa contributor sa pagtaas ng inflation nitong nakalipas na buwan ay dahil sa pagtaas ng presyo ng food and non-acolholic beverages.
Partikular na tinukoy ni Retoma na nagkaroon ng malaking pagtaas sa presyo ay ang mga gulay, mga karne at maging ng mga isda.
Sinabi niya na ito ay bunsod na rin ng impact ng sunod-sunod na bagyo na nanalasa sa lalawigan.
-- ADVERTISEMENT --