Bumilis ang inflation sa 1.8 percent nitong buwan ng Disyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ito ay mabilis sa 1.5 percent inflation rate noong Nobyembre at ito ay nasa 1.2 hanggang 2 percent forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa buwan ng Disyembre.

Ang pagbilis ng inflation nitong Disyembre ay nangangahulugan na ang average inflation sa 2025 ay 1.7 percent na mas mababa sa 2 hanggang 4 percent target range ng economic managers.

Sinabi ni PSA Undersecretary and national Statistician Dennis Mapa na bumilis ang food inflation sa 1.2 percent noong December 2025 mula sa 0.3 percent percent annual decline noong Nobyembre.

Ayon kay Mapa, ito ay bunsod ng mas mabilis na inflation rate ng mga gulay, tubers, plantains, cooking bananas at pulses sa 11.6 percent nitong Disyembre mula sa 4 percent sa Nobyembre.

-- ADVERTISEMENT --

Mas mabagal naman ang pagbaba sa presyo ng bigas na naitala sa 12.3 percent sa nasabing buwan mula sa 15.4 percent noong November 2025.

Idinagdag pa ng PSA na ang iba pang dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng index sa mga damit at footwear sa 2.2 percent mula sa 1.8 percent sa buwan ng Nobyembre.