Nanatili ang inflation rate nitong buwan ng Enero pareho mula sa naitala nitong buwan ng Disyembre ng 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala ang 2.9 percent inflation nitong Enero.

Ang parehong inflation ay bunsod ng pagtaas sa Food and Non-Alcoholic Beverages (3.8% from 3.4%), Alcoholic Beverages and Tobacco 3.5% mula sa 3.1%, at Transport 1.1% from 0.9%.

Sa kabila nito, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ang flat rate nitong buwan ng Enero ay positibong indikasyon ng commitment ng pamahalaan na matiyak ang mas matatag na presyo ng mga bilihin at serbisyo kaugnay sa targets ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Idinagdag naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang inflation nitong nakalipas na buwan ay nasa forecast range pa rin na 2.5 hanggang 3.3 percent.

-- ADVERTISEMENT --