
Tumaas ang inflation nitong buwan ng Pebrero, kung saan ito ang pinakamabilis sa loob ng 13 buwan bunsod ng mas mataas na presyo ng mga pagkain, non-alcoholic beverages, at housing at utilities, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Umakyat ang consumer prices sa 2.4 percent nitong nakalipas na buwan, mas mabilis sa 2.0 percent noong Enero, at sa 2.1 percent noong February 2025.
Ito ang pinakamabilis na inflation sa loob ng 12 buwan buhat nang maitala ito sa 2.9 percent noong Enero ng 2025.
Ayon sa PSA, ang pagtaas ng kabuuang inflation nitong nakalipas na buwan ay bunsod ng mas mabilis na annuel increment sa index ng pagkain at non-alcoholic beverages na naitala sa 1.8 percent, na may kabuuang 29.5 percent sa overall inflation rate.
Ang core inflation – na kinabibilangan ng piling pagkain at energy items ay naitala sa 2.9 percent nitong Pebrero, tumaas mula sa 2.8 percent noong Enero at 2.4 noong Pebrero ng 2025.
Naitala din ang annual increases sa restaurants at accomodation services, recreation, sport, at culture, health, furnishings at household equipment, personal care, miscellaneous goods and services, at clothing at footwear.
Tumaas ang presyo ng bigas sa 3.4 percent sa nasabing buwan, kung saan mas mabilis ang pagtaas sa mais, harina, mga isda, at iba pang lamang-dagat, gatas at ibang dairy products, mga prutas at nuts, at mga gulay.
Samantala, nakita naman ang pagbaba sa presyo ng mantika, at ready-made food at iba pang food products.









