Tumaas sa 2.9 percent ang inflation rate noong December 2024 mula sa 2.5 percent noong Nobyembre.
Ayon sa National Statistician and PSA chief Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang pagtaas ng inflation nitong buwan ng Disyembre, kung saan ito ang sumusukat sa rate ng increase sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, ay bunsod ng pagtaas sa electricity, housing rentals, at LPG, na bumubuo sa 56.2 percent increase.
Nakadagdag din sa pagtaas ng inflation ang pagtaas sa presyo ng transportasyon, ang gasolina, diesel at passenger transport sa karagatan na may 46.9 percent.
Sinabi ni Mapa na ang magandang balita ay bumababa ang inflation rate sa bigas.