Bumilis ang inflation sa 2.5 percent nitong buwan ng Nobyembre, mula sa 2.3 percent noong buwan ng Oktubre.
Ito ay bunsod na rin ng mas mataas na presyo ng mkga pagkain kasunod ng pananalasa ng sunod-sunod na malalakas na bagyo.
Sa kabila nito, nanatili naman ito sa 2 hanggang 4 percent target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Kaugnay nito, nagpahiwatig si BSP Governor Eli Remolona Jr. sa pagsuspindi muna sa rate cutting sa pulong ng Monetary Board sa December 19 kung magpapatuloy ang pressure sa inflation.