Bumaba sa 1.6% ang inflation rate sa Cagayan Valley noong nakalipas na December 2023 kung ikukumpara sa 8.5% noong kaparehong buwan ng 2022.

Batay sa datos, sinabi ni Philippine Statistic Authority (PSA) Region 2 Director Girme Bayucan ang pagbagal ng inflation rate ay dahil sa negative na inflation na naitala ng 9 sa 13 commodity groups sa rehiyon.

Ito ay kinabibilangan ng food and non-alcoholic beverages tulad ng gulay, isda, karne, seafood, tubers; housing, water, electricity, gas, presyo ng LPG, at iba pa.

Ang pagbagal ng inflation ay naitala sa lalawigan ng Isbaela, Cagayan, at Nueva Vizcaya habang tumaas naman sa Quirino at Batanes.

Nabatid na Batanes pa rin ang consistent na may pinakamataas ang inflation rate sa lahat ng lalawigan ng rehiyon dos.

-- ADVERTISEMENT --