TUGUEGARAO CITY- Naitala ang mababang inflation rate o paggalaw ng presyo ng mga basic commodities sa Region 2 nitong buwan ng Agosto sa 0.7 percent.

Sinabi ito ni Gina Dayag ng planning division ng National Economic Development Authority o NEDA Region 2.

Ayon kay Dayag, mula sa 5.4 percent inflation noong Enero ngayong taon ay bumaba ito ng 0.7 percent na lamang.

Sinabi niya na ang mababang inflation rate ngayong buwan ay dahil na rin umano sa free tuition fee policy at pagbaba umano ng pasahe.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Dayag

Sinabi naman ni Riza Andres na ang isa ring dahilan ng pagbaba ng infaltion rate ay dahil sa epekto ng Rice Tarrification Law.

ang tinig ni Andres