Tumaas ang inflation rate dito sa Region 2 nitong buwan ng Hunyo ngayong taon.
Sinabi ni Ernesto de Peralta Jr., OIC-Division ChiefStatistical Operations and Coordination Division ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 2 na naitala ang 4.4 percent na inflation nitong Hunyo mula sa 4.1 percent noong buwan ng Mayo at mula sa 3.6 percent sa katulad na panahon noong June 2023.
Ayon kay Peralta, ang average naman na inflation mula January hanggang June ngayong taon ay 3.4 percent.
Sinabi niya na ang nag-ambag sa pagtaas ng inflation o pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo ay ang pagtaas ng housing, tubig, electricity, gas and other fuels.
Tumaas din aniya ang serbisyo sa mga restaurants and accomodation sa rehion.
Kaugnay nito, sinabi ni Peralta na kabilang sa mga produkto na nagkaroon ng pagtaas ay sa food and non alcoholic beverages.
Sinabi niya na malaki ang itinaas sa presyo ng luya, maging sa ilang isda at seafoods.
Tumaas din aniya ang transportasyon na dahil sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis.