Tumaas ang inflation rate sa Region 2 nitong buwan ng Abril.

Ayon kay Ernesto De Peralta ng Statistical Operations and Coordination Division ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 2, naitala ang 4.2 percent inflation nitong nakalipas na buwan kumpara sa 3.5 percent noong buwan ng Marso ngayong taon.

Dahil dito, ang average inflation sa Region 2 noong Abril ay 2.9 percent.

Sinabi ni De Peralta na ang nagbunsod ng pagtaas ng inflation nitong Abril ay dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, tubig, electricity, gas at iba pang fuel products na bagamat ito ay nagtala ng -2.9 percent, 44.7 percent naman ang share nito sa pangkalahatang inflation sa rehion.

Nag-ambag din sa pagtaas ng inflation ang mabilis na pagtaas sa presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages na nagtala ng 6.8 percent at pangakalahatang share na 41.7 percent.

-- ADVERTISEMENT --

Sumunod ang pagtaas ng transportasyon na nagtala ng 4.5 percent at 9.6 percent na pangakalahatang share sa inflation.

Idinagdag pa ni De Peralta na ang Quirino ang nakapagtala ng pinakamataas na inflation na 5.9 percent mula sa 5.2 percent noong Marso, sunod ang Cagayan na may 5.8 percent mula sa 4.5 percent, Nueva Vizcaya na 3.6 percent mula sa 3.4 percent at pinakamababa ang Batanes.