Naipasubasta sa halagang $12.1 million ang inidoro na 18-karat at gawa ng Italian artist na si Maurizio Cattelan sa New York.

Ang shell ay gawa sa 101 kilograms ng ginto at ito ay gumagana.

Ayon sa auction house ng Sotheby, ang presyo ng inidoro sa unang araw ng subasta ay base sa presyo ng ginto sa merkado.

Nitong Martes, ang halaga ng 101 kilograms ng 18-karat gold ay $10 million.

Gumawa si Cattelan ng dalawang bersiyon ng gold toilet noong 2016 at tinawag ang mga ito na “America.”

-- ADVERTISEMENT --

Ang isa ay naka-display sa Guggenheim Museum sa New York, bago ito ninakaw noong 2019 mula sa Blenheim Palace, ang lugar kung saan ipinanganak si Winston Churchill sa England, kung saan ito ay naka-loan.

Ang isang bersiyon nito ay naibenta noong 2017 sa isang private collector, at kanyang ipinasubasta.

Ayon sa US media ang collector ay ang bilyonaryo na si Steve Cohen, may-ari ng New York Mets baseball team.

Marami ang nag-abang sa nasabing inidoro sa auction.

Bago ang auction, inilagay ang inidoro sa banyo ng bagong headquarters ng Sotheby, subalit hinbdi katulad sa nakaraang exhibitions, hindi pinayagan na makita ito ng mga bisita para sa seguridad.