Aabot sa P80 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Alcala, Cagayan.
Ayon kay Municipal Mayor Tin Antonio, ito ay dahil sa sunod sunod na pagdaan ng mga bagyo partikular ang paghagupit noon ng bagyong Ofel at Bagyong Pepito.
Aniya, ang mga pananim ay nasa harvest stage na kaya’t malaki rin ang pagkalugi ng mga magsasaka.
Hindi rin umano inaalis na posibleng madagdagan pa ang halaga ng mga napinsala sa agrikultura dahil ito’y massive flooding.
Bukod dito ay umabot rin sa 130 families na may 374 individuals ang inilikas sa evacuation centers sa nasabing bayan.
Sinabi ni Antonio, mula 25 barangay sa nasabing bayan ay labing isa dito ang naapektuhan ng pagbaha.
Umaasa naman si antonio na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga evacuees sa kabila ng bumababa na ang lebel ng tubig sa buntun bridge.
Aniya, malaking tulong din ang pakikinig sa mga abiso at maayos na koordinasyon ng mga residente upang hindi na mahirapan pa ang mga rescuers.
Sa ngayon, patuloy ang mga operasyon ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga evacuees at mapabilis ang mga hakbang para sa kanilang agarang pagbangon mula sa mga kalamidad.