Umaabot na ngayon sa mahigit P214.4M ang inisyal na pinsalang iniwan ng bagyong egay sa sektor ng agrikultura partikular sa maisan sa probinsya ng Cagayan.

Batay sa datos ng Provincial Agriculture Office ng Cagayan, umaabot sa 28,730 hectares ng taniman ng mais ang apektado na mula sa 17 mga bayan na labis na naapektohan ng malakas na hangin at ulan sa kasagsagan ng bagyo.

Karamihan sa mga pananim na mais na nasira ay nasa reproductive at vegatative stage na.

Apektado dito ang nasa 28,651 na mga magsasakang mula sa mga bayan ng Sta. Ana, Camalaniugan, Lasam, Abulug, Iguig, Rozal, Sto. Niño, Tuao, Alcala, Gonzaga, Baggao, Allacapan, Buguey, Piat, Solana, Peñablanca, at Aparri.