Tuguegarao City- Sumampa na mahigit P200M ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura ng naranasang pagbaha at landslide sa Cagayan.

Ang pagtaas ng bilang ng mga nasira ay bunsod din ng nararanasang epekto ng nagpapatuloy na tail end of frontal system.

Sa huling datos ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), aabot sa mahigit P181M ang nasira sa palayan mula sa 12 bayan sa downstream area.

Mahigit P4M naman ang pinsala sa maisan, mahigit P7M sa mga pananim na gulay at prutas kasama na ang sektor ng palaisdaan at aabot naman sa mahigit P1.7M ang pinsala sa livestock.

Bukod sa mga bayan sa downstream ay naapektuhan din ang bahagi ng Amulung, Alcala at Sto. NiƱo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan ay nasa P202,912,563 na nasira sa sektor ng agrikultura dito lamang sa lalawigan ng Cagayan.