Aabot na sa mahigit P38.9M ang halaga ng iniwang pinsala ng pagbahang dulot ng bagyong paeng sa probinsya ng Cagayan.
Sa datos ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) aabot sa mahigit P12.5M ang pinsala sa Palay, P14.1M sa Mais, higit P9.6M sa High Value Commercial Crops, at mahigit P2.6M naman sa palaisdaan.
Bukod pa ito sa P263,120 na napinsala sa livestock.
Ayon kay Rueli Rapsing, head ng ahensya, nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang validation at assessment ng mga otoridad upang matukoy ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng pagbaha.
Sinabi pa niya na mayroon namang naiulat na P6M na nasira sa imprastraktura sa bayan ng Lal-lo.
Samantala, nilinaw ni Rapsing na sa ngayon ay isa palamang ang validated at kumpirmadong naiulat na typhoon related casualty sa probinsya at ito ay naitala sa bayan ng Amulung dahil sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Alcala MDRRMO kung idedeklara bilang typhoon related incident ang pagkalunod ng apat na katao sa kanilang bayan.
Saad niya, kinakailangang manggaling sa mismong MDRRMO ang deklarasyon at ito ay pagtitibayin sa pamamagitan ng isang resolution na nakabatay sa kanilang isinagawang imbestigasyon.
Sa ngayon, sinabi ni Rapsing na lahat ng mga lansangan sa Cagayan ay Passable na habang may halos 100 pamilya nalamang na nananaliti sa mga evacuation center na kinabibilangan ng mga galing sa Tuguegarao at sa bayan ng Amulung.