Ginisa ng husto ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang lokal na pamahalaan ng Porac, Pampanga.
Sa pagdinig ng komite patungkol sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac na Lucky South 99, humarap si Mayor Jaime Capil at dito’y inusisa nina Committee Chairperson Risa Hontiveros at Senator Sherwin Gatchalian ang ikinasang inspeksyon ng Local Government Unit (LGU) sa POGO.
Kinwestyon ng mga senador kung bakit hanggang sa guard house lang ang inabot ng LGU at Philippine National Police (PNP) nang mag-inspeksyon sila noong Agosto 25, 2023 sa pangunguna ni Capil at ni dating PNP-Porac Chief Lt. Col. Palmyra Guardaya.
- Sen. Lapid handang magbitiw kapag napatunayang konektado sa POGO
- Mayor Alice Guo at 17 iba pa nasa lookout bulletin na ng BI
- Apela ni Mayor Guo vs suspension, ibinasura ng Ombudsman
Tugon ni Capil, limited lamang ang ibinigay na access sa kanilang inspeksyon pero ito ay hindi tinanggap ni Gatchalian dahil may malawak na kapangyarihan ang LGU para magsagawa ng inspeksyon.
Dagdag pa ni Gatchalian, walang inspeksyon talaga na nangyari dahil hanggang labas lang sila at hindi naman naikot at napasok ang mga gusali sa loob ng Lucky South 99.
Katwiran pa ni Capil, hindi nila ipinilit dahil baka sila naman ang kasuhan at wala rin silang nailagay na report na karahasan o anumang krimen sa naturang POGO.