Pinagbabaril ang isang intelligence officer ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) sa isang car wash sa Barangay San Isidro, Makati City.
Ayon kay HPG spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, noong August 1, lumapit ang dalawang armadong lalaki sa biktima na kasama ang kanyang 17-anyos na anak at tinangka na hablutin ang kanyang kuwintas.
Tumakbo ang biktima subalit hinabol siya ng isa sa mga suspek at pinagbabaril siya ng maraming beses.
Tinamaan din ng ligaw na bala ang isang testigo.
Ayon kay Malang, nakasuot ng helmet ang dalawang suspek.
Sinabi ni Malang, may nakuha na 14 cartridges at siyam na bala ang tumama balikat, hita, at tiyan ng biktima.
Ayon kay Malang, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa pamilya, nasa stable condition na umano ang biktima sa pagamutan.