Ginunita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga abugado at huwes na biktima ng karahasan dahil sa paggampan sa kanilang trabaho kasabay ng pagdiriwang ng International Law day, ngayong araw.

Pagsapit ng alas dose kaninang tanghali ay hinikayat ni IBP President Atty. Egon Cayosa ang sambayanan na samahan ang grupo sa pagdasal sa law day prayer

Ipinagdasal ang hustisya para sa mga abugado, prosecutor at huwes na pinaslang dahil sa kanilang trabaho.

Humingi rin ang IBP ng kapatawaran sa kanilang kakulangan kung minsan kung kayat naaantala ang pag-usad ng kaso.

Samantala, binigyang diin ni Atty. Cayosa na kabilang sa isinusulong na programa ng kaniyang liderato ay ang global Filipino lawyer kung saan nakikipag-ugnayan sila sa mga ibat ibang abugado na nasa ibat ibang mundo upang mapabilis ang pagtulong ng IBP sa mga nangangailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Vc Cayosa Sep 20

Ang tema ng 2019 Law day ay “justice bilis not justice tiis”.