Ipinangako ng International Organization for Migration ang pagtatayo ng mga bagong tahanan para sa mga piling mga benepisyaryo sa lahat ng munisipalidad sa Batanes.

Layunin ng proyektong ito na magbigay ng matibay na solusyon sa pabahay para sa mga pamilyang nawalan ng bahay o malubhang napinsala ang kanilang mga tahanan dahil sa nagdaang bagyong Julian.

Ang proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo ay isasagawa katuwang ang Provincial Government of Batanes upang masiguro na makakatanggap ng tulong ang mga higit na nangangailangan.

Samantala, nangunguna ang Office of Civil defense o OCD sa pagpapadala ng mga relief goods sa tulong ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng mahusay na koordinasyon ng logistics at transportasyon.

Sinisiguro naman ng OCD na mabilis at epektibong maipaparating ang mga pangunahing pangangailangan sa mga komunidad na lubhang naapektuhan Ng mga kalamidad na tumama sa nasabing lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pagtutulungan ng IOM at OCD ay nagpapakita ng pagkakaisa sa pagtugon sa kalamidad, na binibigyang-diin ang agarang tulong at pangmatagalang katatagan para sa mga mamamayan ng Batanes.