Wala pa ring natatanggap na update ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng hiling nitong Interpol red notice laban sa dating kongresistang si Zaldy Co, na iniuugnay sa multi-bilyong pisong katiwalian sa flood control projects.

Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, kamakailan lamang ay nag-follow up ang ahensya ngunit wala pa ring tugon mula sa Interpol.

Nauna nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na halos tiyak silang nasa isang gated community sa Lisbon, Portugal si Co, ngunit nahihirapan ang mga awtoridad na makapasok sa lugar.

Nilinaw ng NBI na ang red notice ay hindi arrest warrant, kundi hiling sa mga law enforcement agencies sa iba’t ibang bansa upang mahanap at pansamantalang arestuhin ang isang indibidwal.

Noong Disyembre, kinansela ng Department of Foreign Affairs ang Philippine passport ni Co.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, nananatiling hamon ang kanyang pag-aresto dahil wala umanong extradition treaty ang Pilipinas at Portugal, at may hawak umano siyang Portuguese passport.