
Inihayag ng Revolutionary Guards Navy ng Iran na pansamantala nitong isinara ang Strait of Hormuz hanggang sa susunod na abiso matapos nitong magpaputok ng warning shot sa isang barkong umano’y dumaan sa rutang hindi awtorisado.
Ayon sa ulat ng state media, naganap ang insidente nitong Linggo ng madaling araw. Hindi naman agad isinapubliko ng Iran ang pagkakakilanlan ng barko o ang bandilang dala nito.
Ang Strait of Hormuz ay isa sa pinakamahalagang rutang pandagat sa mundo para sa pagdaan ng langis at liquefied natural gas. Inaasahang maaaring magkaroon ng epekto sa pandaigdigang suplay ng enerhiya at presyo ng langis ang pansamantalang pagsasara nito kung magtatagal ang hakbang ng Iran.










