Nagbabala ang Iran na aatakehin ang US bases sa Gitnang Silangan kasunod ng air strikes ng Washington na sumira umano sa nuclear program ng Tehran, bagamat sinabi ng ilang opisyal na hindi malinaw ang lawak ng pinsala ng nasabing pag-atake.

Sa gitna ng tumitinding aerial assaults sa pagitan ng Iran at Israel; kabilang ang panibagong strikes ng Israel sa sinabing military targets sa Iran, naglabas ang US State Departmnent ng worldwide caution alert para sa kanilang mga mamamayan na bumabiyahe o naninirahan sa ibang bansa.

Tumintindi na rin ang concern at takot na ang ginawang pag-atake ng US sa Iran ay lalong magpapatindi sa labanan sa pagitan ng dalawang bansa na nagsimula nang maglunsad ang Israel ng pambobomba sa Iran nitong June 13.

Sinabi ni Ali Akbar Velayati, advisor ni Ayatollah Ali Khamenei, ang supreme leader ng Iran na posibleng aatakehin nila ang mga bases na ginagamit ng US forces bilang ganti sa ginawa ng Washington.

Ayon sa IRNA news agency, sinabi ni Velayati na anomang bansa sa rehion o sa iba pang lugar na ginagamit ng American forces para maglunsad ng strike sa Iran ay ituturing na lehitimong target ng kanilang armed forces.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa pangamba na magkakaroon ng mas malawak na giyera, tumaas ang presyo ng langis ng mahigit apat na porsiyento sa maagang trading sa Asia.

Una rito, nanawagan si US President Donald Trump sa Iran na wakasan na ang labanan matapos na maglunsad ng surpresang pag-atake sa mahalagang underground uranium enrichment site sa Forte, kasama ang nuclear facilities sa Isfahan at Natanz.