
Sinabi ng Ira na sinusuri nito ang bagong panukala ng Estados Unidos matapos iulat ng ilang source na malapit nang magkasundo ang Washington at Tehran sa isang isang pahinang memorandum na layong tapusin ang digmaan sa Gulf, habang iniiwan muna sa hinaharap ang mga sensitibong usapin gaya ng nuclear program ng Iran.
Ayon sa tagapagsalita ng Iranian foreign ministry, ipaaabot ng Iran ang kanilang tugon sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng Pakistan, na nagsilbing host ng nag-iisang peace talks at patuloy na tagapamagitan ng komunikasyon sa dalawang panig.
Sa isang post sa social media, sinabi ni US President Donald Trump na maaaring matapos ang digmaan kung sumang-ayon ang Iran sa mga napagkasunduan na.
Ayon pa kay Trump sa isang panayam, masyado pang maaga para pag-usapan ang harapang pagpupulong para pormal na lagdaan ang kasunduan.
Samantala, kinuwestyon ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin ang mga pahayag ni US President Donald Trump laban kay Pope Leo kaugnay ng digmaan sa Iran, at sinabing tila kakaiba ang mga ito.
Ayon kay Parolin, ayaw niyang magbigay ng personal na paghuhusga sa isyu.
Magkikita naman sa Huwebes sa Vatican si Pope Leo at US Secretary of State Marco Rubio para sa isang pulong, sa gitna ng tensyon kaugnay ng digmaan at mga patakaran ng US.










