
Isang Iranian missile ang tumama sa bayan ng Dimona sa timog Israel, malapit sa isang nuclear research center.
Wala namang iniulat na pinsala sa pasilidad mula sa International Atomic Energy Agency (IAEA) at wala ring pagtaas ng radiation sa lugar
Sinabi ng Iran na ito ay tugon sa pag-atake sa kanilang nuclear site sa Natanz.
May 40 katao ang sugatan sa Dimona habang 68 naman ang sugatan sa kalapit na bayan ng Arad, kabilang ang isang batang lalaki na malubha ang kalagayan.
Iniimbestigahan ng Israel kung paano nakalusot ang mga missile sa kanilang depensa.
-- ADVERTISEMENT --










