TUGUEGARAO CITY- Hindi umano maitatama ng Implementing Rules and Regulations ang mga kinukuestion na ilang probisyon ng Anti-Terror Law.
Sinabi ni Atty. Egon Cayosa, presidente ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na kailangan na palitan ng isang batas din ang mga kinukuestiong mga probisyon ng ATL.
Kasabay nito, nanawagan si Cayosa sa Korte Suprema na aksionan na ang mga petisyon laban sa ATL.
Ayon sa kanya, kung naging urgent ang pagsapa sa batas, dapat din na agad ang aksion ito ng Supreme Court upang malinawan na ang kuestion sa constitutionality ng batas.
Sinabi niya na dahil sa may kalabuan ang batas, tiyak na magkakaroon din ng pagkakaiba sa implementasyon nito at maarin din umanong gamitin sa isang individual na kalaban na kahit simple lang ang kaso ay gagamitin ang ATL.
Nanawagan din siya sa Anti-Terrorism Council na ilabas na rin ang IRR ng nasabing batas na isusumite naman sa kongreso.
Sinabi ito ni Cayosa sa kabila ng pagtitityak ng mga nagsulong sa ATL na hindito ito maabuso.