Binabalangkas na ng binuong Technical Working Group (TWG) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) kaugnay sa implementasyon ng inaprubahang batas na “Nueva Vizcaya Enduring Devotion Award” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya.

Layon ng ordinansa inaprubahan nitong June 18, 2024 na mabigyan ng aniversarry gift na P50K at health benefits o libreng medical check-up sa mag-asawang limampung-taon nang nagsasama.

Ayon kay Timothy John Remorca, staff ni Board Member Patricio Dumlao, Jr., ang pangunahing may-akda ng naturang batas na nabuo ang naturang ideya nang dumalo ang bokal sa 50th anniversarry celebration ng kalapit na kapamilya.

Naisip aniya ni Dumlao na maghain ng panukala kaugnay rito dahil hindi biro ang limampung taong tagal ng pagsasama ng mag-asawa at upang gawing inspirasyon ng mga bagong kasal.

Kabilang sa mga requirements para maging kwalipikado ay dapat ang permanent residency ng mag-asawa ay sa Nueva Vizcaya; maaaring pansamantalang naghiwalay subalit nagkabalikan rin; walang naihaing annulment case o anumang kaso ng pang-aabuso bilang pagsunod sa probisyon ng RA 9262 o VAWC (Violence Against Women and their Children).

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga mag-asawang mahigit 50-taon nang nagsasama ay kwalipikado rin sa naturang incentives

Binibigyan rin ng pagkakataong makapag-apply sa naturang cash incentives ang mag-asawang mahigit 50-taon nang nagsasama sa loob ng isang taon.

Sa ngayon ay inaayos pa ang IRR ng naturang ordinansa para sa maayos na implementasyon nito bago ang pagtanggap ng aplikasyon