Isang maliit na eroplano ang kumpirmadong bumagsak sa Northeast Philadelphia malapit sa Cottman Avenue at Roosevelt Boulevard, at malapit sa isang mall.

Nagdulot ito ng malakas na pagsabog at nasunog ang ilang kabahayan.

Bumagsak ang nasabing eroplano, tatlong milya ang layo mula sa Northeast Philadelphia Airport.

Ayon sa report, sakay ng nasabing maliit na eroplano ang dalawang katao at hindi pa mabatid kung ano ang nangyari sa mga ito.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing sasakyang panghimpapawid.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pinakahuling plane crash ay ilang araw lamang matapos ang banggaan ng isang passenger jet at US Army helicopter sa Wasington, DC na kumitil sa buhay ng 67 katao.

Samantala, nakuha na ng mga awtoridad ang voice at flight date recorder mula sa helicopter at dalawang black boxes ng jet na nagbanggaan sa himpapawid ng Washington, DC.

Sinabi ni National Transportation Safety Board Member Todd Inman, isa sa dalawang recorders mula sa jet ang napasukan ng tubig.

Ayon kay Inman, ibinabad ang cockpit voice recorder ng magdamag sa ionized water, at inilagay sa vacuum oven upang matanggal ang tubig mula dito.

Sinabi niya na sinusuri na ng NTSB ang electric connections upang malaman kung maaari na silang mag-download ng data.

Kasabay nito, sinabi Inman na nasa maayos na kundisyon ang nakuha na flight data recorder.

Tiwala siya na makakakuha sila ng full download sa mga susunod na araw.