Isa o dalawa na bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong buwan ng Disyembre.

Pinag-iingat at pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko sa potential tropical cyclones na posibleng tatama sa bansa sa holiday season.

Ayon sa Pagasa, ang mga nasabing bagyo ay malaking tsansa ng landfall o magkaroon ng impact sa lupa.

Gayunam, nilinaw ng Pagasa na sa ngayon ay wala pang namo-monitor ang Pagasa na low-pressure area o tropical cyclone na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Matatandaan na nakaranas ang bansa ng anim na bagyo buhat noong buwan ng Oktubre: Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito

-- ADVERTISEMENT --