Huling namataan ang bagyong Kristine sa layong 255 kilometers west northwest ng Bacnotan, La Union o 255 km west southwest ng Sinait, Ilocos Sur.
Ito ay may taglay na lakas na hangin na 9 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 115 km/h.
Nangangahulugan na tropical severe storm pa rin ang category ni Kristine.
Ito ay kumikilos west northwest sa bilis na 15 km/h at palabas na rin ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon o mamayang gabi.
Sa ngayon ay may binabantayan na isa pang bagyo sa labas ng PAR.
Namataan ito sa layong 2,235 km east ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 70 km/h, at kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20 km/h.
Inaasahan na papasok sa PAR ang nasabing bagyo bukas at tatawagin itong “Leon.”