TUGUEGARAO CITY- Pinag-aaralan na ng 5th Infantry Division, Philippine Army kung saan ide-deploy dito sa Cagayan ang isa pang battalion ng mga sundalo.

Sinabi ni Major Noriel Tayaban, information officer ng 5th ID na nakaantabay na ang nasabing battalion para sa kanilang deployment.

Ayon sa kanya, ang isa sa kanilang kinokonsidera na bayan ay ang Baggao.

Sinabi ni Tayaban na ang area of responsibility ng nasabing battalion  ay sa mga bayan ng Gattaran, Baggao, Iguig, Solana, Enrile, Peñablanca, Tuguegarao City at mga kalapit na lugar sa mga nasabing lugar sa Cagayan Valley.

Kaugnay nito, sinabi ni Tayaban na hindi lang ang kampanya ng insurgency ang trabaho ng nasabing battalion at ang buong kasundaluhan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Tayaban na ang nasabing battalion ay pamumunuan ni Lt.Col. Jaylord Kindipan.  

Siya ay nagtapos na topnotcher at valedictorian  sa Philippine Military Academy noong 1998 at siya ay tubong Ifugao.

Idinagdag pa ni Tayaban na ang 77th Infantry Battalion ay ang dating CAFGU na binuwag noong 2019 na muling inactivate.