
Isa pang crane ang bumagsak sa ginagawang highway sa Bangkok kaninang umaga, kung saan dalawang pulis ang namatay.
Ito ay isang araw matapos ang pagbagsak ng isang crane sa isang tren sa Thailand, kung saan 32 katao ang namatay.
Ayon sa pulisya ng Bangkok, nahulog ang crane sa ginagawang Rama II expressway sa probinsiya ng Samut Sakhon.
Sa report ng local media, nangyari ang insidente sa harap ng Paris Inn Garden Hotel.
Maraming ginagawang major infrastructure projects sa Rama II Expressway, kabilang ang tollway construction, kung saan marami na rin ang namatay sa mga nangyaring aksidente sa nakalipas na mga taon, kaya tinawag itong “death road.”
Nangyari ang insidente matapos ang katulad na pagbagsak ng crane sa probinsiya ng Nakhon Ratchasima sa hilagang silangan ng Bangkok kahapon.









