Ilang araw matapos patayin ang isang election officer sa isang bayan sa Sultan Kudarat, isa pang poll official ang binaril-patay sa bayan ng Salvador sa Lanao del Norte.
Ayon sa Lanao del Norte police, binaril si Mark Orlando Vallecer II, ang acting election officer sa bayan ng Nunungan ng mga hindi nakikilalang salarin sa Barangay Curva sa bayan ng Salvador.
Nagtamo si Vallecer, 51 years old, residente sa Kauswagan sa Cagayan de Oro City, ng maraming tama ng baril sa kanyang ulo na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Ang pagpatay kay Vallecer ay kasunod ng pagpatay noong Sabado kay John Nico Pandoy, acting election officer ng bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat.
Naniniwala ang mga awtoridad na ang nasabing mga insidente ng pamamaril ay may kaugnayan sa halalan sa 2025.