TUGUEGARAO CITY-Handang tulungan ng Migrante International ang isa pang OFW na namatay sa Kuwait na kasabay na iniuwi sa bansa sa mga labi ni Constancia Dayag.
Sinabi ni Kris Fiel ng Migrante Isabela Chapter na nalaman lang niya sa kanyang wall na kasabay ng pag-uwi sa mga labi ni Dayag ang bangkay ni Salve Silabbu,29, ng Salvacion,Echague,Isabela.
Ayon kay Fiel, nagtataka siya kung bakit hindi ito inilabas sa media at hindi rin ito naiparating sa kaalaman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Dahil dito,inilapit niya ito kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na dumalo sa libing ni Dayag kanina.
Sinabi niya na sinabihan siya ni Cacdac na alamin muna ang tunay na nangyari kay Silabbu at papuntahin ang kanyang pamilya sa kanyang tanggapan para sa kaukulang aksion.
Sinabi ni Fiel na handa silang tumulong sa pamilya ni Silabbu sa pagsasampa ng kaso laban sa recruitment agency ng OFW dahil sa hindi pa natapos ang kanyang kontrata nang siya ay bawian ng buhay.
Sinabi ni Fiel na namatay ang OFW dahil sa atake sa puso.