Muling magpapatupad ng oil price hike ang mga oil companies bukas, May 28, 2024.

Batay sa pricing advisories ng mga kumpanya ng langis, P0.40 ang dagdag-presyo ng sa gasolina habang P0.30.

Ang mga naglabas na ng abiso para sa price hike na epektibo bukas ay ang Shell Pilipinas Corporation at Cleanfuel, habang susunod naman ang iba pang kumpanya ng langis.

Samantala, magpupulong sa June 1 ang pinakamalalaking liga ng world oil producers, at ang isa sa kanilang agenda ay ang production qoutas.