Inihayag ng Malacañang na tinanggal din sa kanyang puwesto si Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator Emma Sinclair kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng lupa na pinasok ni OWWA administration Arnell Ignacio.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na tinanggal si Sinclair dahil sa loff of trust and confidence may kaugnayan sa P1.4 billion land acquisition deal.

Kasabay nito, sinabi ni Castro na magsilbi sana itong babala sa public servants na matatanggal sila sa puwesto kung hindi nila gagawin ng maayos ang kanilang tungkulin sa publiko.

Una rito, sinabi ni Ignacio na magbibigay siya ng kanyang pahayag ukol sa nasabing usapin sa tamang forum.

Sinabi naman ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne “PJ” Caunan, ang P1.4 billion land purchase deal sa ilalim ng liderato ni Ignacio ay para sana sa halfway house o domitory-type accomodation ng overseas Filipino workers na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

-- ADVERTISEMENT --

Pinalitan ni Caunan si Ignacio bilang administrator ng OWWA, matapos na matanggal siya sa kanyang pwesto dahil sa “loss of trust and confidence” dahil sa land deal na kanyang pinasok na walang pag-apruba mula sa OWWA Board.

Idinagdag pa ni Cacdac na pinag-aaralan na rin nila kung pwede pang mabawi ang nasabing halaga at kung itutuloy o hindi ang proyekto.