Nasa dalawang gate na lamang ng Magat Dam ang nakabukas matapos isara ang isa pang radial gate nito ngayong hapon ng Martes.
Batay sa NIA- Magat River Integrated Irrigation System, bahagyang nakabukas ng apat na metro ang dalawang spillway gate ng dam na nagpapakawala ng 1,019 cubic meter per second.
Ang pumapasok ngayon na tubig sa watershed ay 991.15 cms kayat ang reservoir water level nito ngayon ay nasa 190.93 meters above sea level.