
Isa pang suspek ang sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) sa pagpatay sa pulis na si Senior Master Sgt. Diane Mollenido at sa kanyang anak na si John Ysmael, walong taong gulang.
Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Anthony Aberin.
Matatandaan na nitong Biyernes, inaresto ng mga awtoridad ang car agent kung saan huling nakita si Mollenido at kanyang anak na buhay sa Novalichez, Quezon City.
Ang bagong suspek na nasa kustodiya ng pulisya, ay ang hipag ng car agent, na umano’y siya ang naglinis sa crime scene sa bahay ng car agent.
Huling nakita si Mollenido at kanyang anak na buhay noong January 16.
Natagpuan siyang patay na sa isang creek sa Bulacan noong Jan. 24, habang ang kanyang ay nakitang patay na sa madamong lugar sa isang calamansi farm noong Jan. 29.
Una na ring sumuko ang asawa ni Mollenido, na isa ring pulis sa mga awtoridad habang isinasagawa ang imbestigasyon sa nasabing krimen.










