Isa na namang wildfire ang sumiklab at mabilis na lumalaki sa Los Angeles County, na nagbunsod sa paglikas ng libo-libung residente.
Sumiklab ang Hughes fire sa 45 miles ng northwest sa lungsod ng Los Angeles kahapon ng hapon, malapit sa Castaic Lake sa mabundok na lugar na malapit sa maraming kabahayan at mga paaralan.
Mabilis ang pagkalat ng apoy, kung saan umaabot na sa 9,400 acres ang apektado dahil sa malalakas na hangin.
Wala pa namang naitalang napinsala na mga bahay o negosyo, subalit nasa 31,000 residente ang lumikas at ang Interstate 5 – ang pangunahing lansangan sa US West Coast mula Mexico hanggang Canada ay sarado.
Sinabi ng mga opisyal na may dalawang din sunog malapit sa timog ng San Diego at Oceanside.
Sinabi ng mga opisyal na mas maliliit ang mga ito, subalit malapit ito sa matataong lugar.
Agad naman na naapula ng fire crews ang mga nasabing apoy at tinanggal ang evacuation orders sa mga residents sa nabanggit na lugar.