photo credit to GURU Press Cordillera

Tugeugarao City- Dead on Arrival sa pagamutan ang isang menor de edad habang kasalukuyang nagpapagaling ang 12 iba pang sugatang sakay ng isang jeep na nahulog sa bangin sa bahagi ng Tanudan–Banaue National Road sa Maraggob, Dupligan, Tanudan, Kalinga.

Kinilala ang biktimang nasawi na Jandy Bulawit Gallamoy, 16 anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PCOL Davy Vicente Limmong, director ng Kalinga PNP galing umano ang jeep na sinasakyan ng mga biktima sa Tabuk City at pauwi ng Maraggob, Dupligan ng biglang mawalan ito ng preno habang nasa pataas na bahagi ng kalsada.

Hindi na nakontrol pa ng driver na si Loui Cuminag ang pagdausdos pababa ng sasakyan at diretsong nahulog sa bangin na may pitong metrong lalim.

Sinabi din ni Limmong na isa pa sa nakikitang sanhi ng aksidente ay overloading sa loob ng jeep na tumaob matapos mahulog sa nasabing bangin.

-- ADVERTISEMENT --