Patay ang isang lalaki habang sugatan ang backrider nang pumalya ang sinasakyan nilang motorsiklo at nahagip ng isang truck sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Romar Vidad, 23-anyos, janitor ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) at residente sa bayan ng Amulung.

Nabatid na parehong direksyon ang tinatahak ng motorsiklo at ang truck na minamaneho ng suspek na si Ramon Rocakorba nang makaranas ng mechanical defect si Vidad sa minamanehong motorsiklo

Dahil dito, huminto sa lansangan ang biktima kung kaya nasagi sila ng dumaang truck at tumilapon ang dalawa.

Dead on arrival si Vidad sa pagamutan habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang ba ckrider nitong si Ronald Balbuena, 24-anyos sa bayan ng Baggao.

-- ADVERTISEMENT --

Tumakas umano ang suspek ngunit nakuha ang plate number ng sasakyan at hinahanap na ng mga otoridad ang may-ari nito.