TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kanyang anak na babae matapos umanong matabunan ng gumuhong lupa sa Claveria, Cagayan dahil na sa rin malalakas na buhos ng ulan.

Ayon kay PSSg.Ryan Bascos ng PNP Claveria, natutulog umano ang mag-ama na sina Agosto Atiagan, 39 at kanyang anak na si Ashley 13, nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang silid.

Agad na dinala ng mga kapitbahay ang mag-ama sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang ama habang nagtamo naman ng injuries ang kanyang anak.

Samantala, umaabot na sa 533 families o 1,197 persons ang nasa 38 na evacuation centers sa mga bayan sa Cagayan na nakakaranas ng pagbaha dahil sa walang tigil na buhos ng ulan dala ng bagyong “Quiel”.

Samantala, sinabi ni Mayor Joan Dunuan ng Baggao na inilikas na nila ang mga residente sa isang sitio sa Assassi dahil sa soil erosion.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, sinking area ang lugar na malapit lamang sa isang eskwelahan doon.

Idinagdaga pa ni Dunuan na suspended na rin ang pasok sa mga paaralan at opisina ngayong araw sa kanilang bayan dahil sa walang madaanan papunta sa ibang lugar matapos na malubog sa baha ang mga tulay.

Isasailalim din aniya sa forced evacuation ang mga residente na nasa landslide at erosion prone areas upang matiyak ang kanilang kaligtasan.