Isa ang patay at marami ang nasugatan matapos na bumangga ang isang sasakyan sa terrace ng cafe sa Olympic host city Paris kagabi.
Nangyari ang insidente 10 araw bago ang pagbubukas ng Olympic Games sa Paris sa July 26.
Ayon sa public prosecutor’s office, isa ang naaresto, ang driver ng sasakyan, sa kabila ng unang report mula sa mga imbestigador na idinitine ang isang pasahero.
Subalit, sinabi ng prosecutor’s office na hindi naman inilahad kung may pasahero ang nasabing sasakyan.
Una rito, sinabi ng mga pulis na tatlo sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kundisyon.
Ayon naman sa alkalde ng Paris na ang mga nasugatan ay pawang mga customer ng nasabing cafe.
Nakataas ang high alert status sa France dahil sa nalalapit na Olympic Games na naging biktima ng maraming pag-atake ng mga terorista sa mga nakalipas na taon.
Nangyari ang insidente dalawang araw matapos na saksakin sa likod ang isang sundalo ng isang 40 anyos na lalaki sa isang pangunaging train station sa northern Paris.
Ang nasabing sundalo na nasa ligtas ng kalagayan, ay bahagi ng special military operation na naatasang magbigay ng proteksion sa sensitive sites sa Paris.