
Isa na ang naitalang namatay sa pananalasa ng bagyong Tino, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon sa NDRRMC, nagsasagawa pa lamang sila ng validation sa pagkamatay ng isang babae.
Samantala, sinabi ng NDRRMC, 59,918 persons o 17,124 families ang naapektohan ng bagyo.
Sa nasabing bilang, 9170 families o 32,286 persons ang nananatili sa evacuation centers at 3,300 families o 10,641 persons ang nasa labas ng evacuation centers.
Kabuuang 75,591 persons mula sa MIMAROPA, Region 6, 7, 8, at Caraga ang isinailalim sa preemptively evacuation.
Sinabi pa ng NDRRMC na 1,043 na mga pasahero, 554 rolling cargoes, at 46 vessels ang stranded sa 108 na apektadong seaports.
Kabuuang 459 cities at municipalities ang nagsupindi ng klase habang 311 cities at municipalities ang nagsuspindi ng pasok sa trabaho.
Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tino sa November 6.
		
			









