TUGUEGARAO CITY- Nasasabik nang pumunta sa Ilo-ilo para sa 2020 Bombo Music Festival at magtanghal sa pangalawang pagkakataon ang isa sa 12 finalists na mula Bacolod.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Edgardo Milaflor, Jr na composer ng kantang “Someday when I am a King” na mensahe ng kanta ang pagpapahalaga sa simpleng buhay na mayroon ka sa modernong panahon.

Aniya, hindi mahalagang ipinaganak ka na mayaman o mahirap kung marunong kang makuntento sa anumang materyal na bagay na mayroon ka.

Ang pagiging hari o tagumpay sa buhay ayon kay Milaflor ay hindi lamang sa karang-yaan o kasikatan kundi makakamit ito sa paraang gumagawa ka ng tama.

-- ADVERTISEMENT --

Si Milaflor ay dati na ring nakapasok sa finalists noong BMF 2019 na itinuturing niyang tagumpay bilang composer.

ang tinig ni Miraflor