Dalawang Low pressure Area (LPA) ang minomonitor ngayon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang una rito ay huling namataan sa layong 370 km East of Calayan, Cagayan, habang ang pangalawa ay 1,140 km East of Central Luzon.

Posibleng isa sa mga ito ay maging ganap na bagyo hanggang bukas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iral ng Southwest Moonsoon o Habagat sa malaking bahagi ng bansa kung saan ito ay magdadala ng mga pag-ulan at kaulapan .

Bunsod ng Southwest Moonsoon ay makararanas ng Moonsoon Rains ang Metro Manila, CALABARZON, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, and Occidental Mindoro.

-- ADVERTISEMENT --

Paminsan-minsang pag-ulan naman ang mararanasan sa bahagi ng Pangasinan, Benguet, Tarlac, Marinduque, and Oriental Mindoro.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat naman ang mararanasan sa Visayas, the rest of Luzon, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, and Davao Region.

Habang bahagyang maulap hanggang sa msaulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat naman sa nalalabing bahagi ng Mindnaao, bunsod pa rin ng Southwest Moonsoon.

Samantala, ang trough of LOW PRESSURE AREA (LPA) naman ang makaaapekto dito sa lambak ng Cagayan kung saan ay makararanas tayo ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.