Muling nakapasok sa national level ang lalawigan ng Isabela at Quirino bilang awardees ng Seal of Good Local Governance o Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ng Department of Interior and Local Government ngayong taon.
Nabatid na sa loob ng apat na taon, mula 2015 hanggang 2018, taun-taon nakatatanggap ang lalawigan ng Isabela at Quirino ng SGLG Award bilang best performing province.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni DILG RO2 Director Jonathan Paul Leusen Jr na makakalaban ng dalawang probinsiya sa rehiyon ang National Capital Region (NCR), Region 4B (MIMAROPA) at Central Luzon.
Bukod dito, pasok din sa naturang prestihiyosong parangal ng DILG sa national level ang 45 munisipalidad sa rehiyon.
Ang SGLG award ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng DILG sa isang LGU na nagpakita ng magandang pamamalakad at epektibong pagbibigay ng mga serbisyong panglipunan, gayundin para sa pagsunod sa transparency, accountability at responsiveness sa pamamahala.