Itinanghal ang Lalawigan ng Isabela bilang over-all champion sa katatapos na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2025 matapos nitong manguna sa medal tally.
Nakapag-uwi ang delegasyon ng Isabela ng kabuuang 117 gintong medalya, 101 pilak, at 100 tanso.
Umangat naman bilang 1st runner-up ang Lalawigan ng Cagayan, mula sa dating 2nd runner-up noong CAVRAA 2024, na may kabuuang 82 ginto, 79 pilak, at 117 tanso.
Samantala, kinilala bilang 2nd runner-up ang Nueva Vizcaya matapos nitong makamit ang 71 ginto, 66 pilak, at 70 tanso, habang ang Lungsod ng Santiago, na siyang naging host ng palaro, ay nagtamo ng 66 ginto, 49 pilak, at 46 tanso at itinanghal bilang 3rd runner-up.
Pasok rin sa top five ang Lalawigan ng Quirino na nagtala ng 33 gintong medalya, 45 pilak, at 58 tanso, dahilan upang ituring itong 4th runner-up.
Sa kabila ng matinding kumpetisyon, matagumpay at mapayapang nagtapos pagdaraos ng CAVRAA Meet 2025 kung saan nanaig ang diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, at pagkakaibigan sa hanay ng mga kalahok na atleta mula sa iba’t ibang delegasyon.