Nasawi ang isang 14 anyos na estudyante habang sugatan ang isa pa matapos mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Kinilala ni PCAPT Vicente Orquia Deputy chief of police ng PNP Baggao, ang mga biktima na sina Alyas Ann, 14 anyos at alyas Jen, 15 anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang minamaneho ni Alyas Jen ang sinasakyang motorsiklo sakay si Alyas Ann papuntang San Jhose ng nasabing bayan.

Aniya, nang makarating umano sa Barangay Mocag ay dito na nawalan ng kontrol si Alyas Ann dahilan upang mabangga ang kanilang sinasakyang motosiklo sa puno ng niyog.

Agad dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si alyas Ann ng umasikasong doctor habang si alyas Jen naman ay patuloy paring ginagamot.

-- ADVERTISEMENT --

Napag alaman na nabagok umano ang ulo ni alyas Ann dahilan ng kanyang agarang pagkasawi habang kapwa wala umanong mga helmet ang mga ito.