Huli ang isang 24 anyos na lalaki matapos magbenta ng mga ilegal na baril sa bayan ng Sta.Ana, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ. Ranulfo Gabatin chief of police ng PNP Sta.Ana ang suspect na si Mark Rodel Tabudol, nagtatarabaho sa isang water refilling station sa nasabing bayan at residente sa Allacapan.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspect ay nagbebenta ng mga baril online kung saan ginagamit nito ang messenger platform sa pakikipagtransact.

Agad nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad kung saan isang personnel ang nagpanggap na bibili ng baril sa suspect dahilan upang mahuli kaagad ang suspect kasama na ang dalawang caliber 45 na kanyang ibebenta sa halagang P10,000 – 14,000.

Nabatid na dati na aniyang minamanmanan ang suspect habang wala ring serial number ang baril at home made naman ang isa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspect kung saan mahaharap ito sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.