Napagkalooban ng livelihood assistance ang isang asosasyon mula sa isang Brgy na apektado ng tunggalian sa pagitan ng gobyerno at New People’s Army sa lalawigan ng Quirino.
Ito ay ang Adivay Tau Farmers Association (AFTA) sa barangay Dibibi sa pagkakaisa ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), 86TH Infantry Battalion Philippine Army at lokal na pamahalan ng Cabbarroguis.
Nabuo ang AFTA na may 79 miyembro sa ilalim ng National Task Force End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa tulong ng 86TH Philippine Army at naging rehistrado at lehitimong Workers Association ng DOLE.
Ang naturang asosasyon ay tumanggap ng kabuhayan package para sa paggawa ng banana chips at harina na nagkakahalagang P479, 225 sa pamamagitan ng DOLE – Integrated Livelihood Program.
Pinangunahan ni DOLE QFO Head Geraldine Labayani ang pag-abot ng livelihood assistance na binibuo ng banana slicer, pulverizing machine, packaging materials, dehydrator, refrigerator a iba pang materyales.
Bukod sa paggawad ng kabuhayan, nagkaroon din ng mga miyembro ng asosasyon ng pagsasanay sa paggawa ng banana chips at harina mula kay Gng. Emma G. Aspiras, Associate Professor V at Auxiliary & Enterprise Development Campus Director ng Quirino State College.
Tinuruan din sila ng simple bookkeeping sa pangunguna ni DTI Provincial Office Junior Business Councilor Jonalyn B. Abon.
Nagpasalamat naman si Capt. Melvin B. Pepino, Civil Military Operations Officer ng 86th IB Philippine Army, dahil sa pagkakataon na sila ay makatulong sa pagpapatupad ng mga programang nakalinya sa kanilang mandato.
Sa ilalim ng NTF – ELCAC, nagkakaisa ang ibat-ibang sector ng lipunan upang makapagbigya ng tulong sa komunidad na apektado ng kaguluhan at kahirapan. Ang pagkakaisa ng ibat-ibang sector ay magreresulta ng epektibong pagtugon sa mga pangangailangan at magdudulot ng mas mabilis at mas komprehensibong solusyon sa mga suliranin na minimithi ng mga residente.